Natitirang pondo sa ilalim ng Bayanihan 2, pinapabuhos sa COVID vaccination

Iginiit ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa gobyerno na ibuhos na sa pagpapabilis ng COVID-19 vaccination ang natitirang P173 billion sa ilalim ng Bayanihan 2.

Mag-e-expire na ngayong June 30 ang Bayanihan 2 at ayon kay Pangilinan, walang tsansa na ito ay mapalawig dahil nakabakasyon ang Kongreso.

Tinukoy ni Pangilinan na ngayon ay nasa 100,000 pagbabakuna lang ang nagagawa sa bansa kada araw kaya duda siya na makakamit ang target na mabakunahan ang 70 million mga pilipino bago matapos ang taon.


Binanggit din ni Pangilinan ang patuloy na paglobo ngayon ng COVID-19 cases lalo na sa mga probinsya.

Kaya diin ni Pangilinan, malaki ang maitutulong ng bilyun-bilyong pisong natitira sa Bayanihan 2 para mapabalis ang pagbabakuna at makamit natin ang herd immunity laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments