Native na prutas, mabenta sa Marikina Public Market sa gitna ng nCoV-ARD

Maliban sa vitamins na mabenta ngayon pampalakas ng katawan at para makaiwas ng sakit, mabenta rin ngayon ang mga prutas.

Ayon kay Melva Jastiva, vendor sa fruit section ng Marikina Public Market, mula noong pumutok ang isyu ng Novel Coronavirus-Acute Respiratory Disease (nCoV ARD) ay tumaas ang kanilang benta.

Pero, ito ay para sa native na prutas lang at hindi sa mga imported kagaya ng mansanas, orange, at lemon.


Takot daw kasi ang ilang mamimili dahil baka mamaya ay may dala itong virus.

Ang guyabano na sagana sa vitamin B6, E, at K, mabibili sa P100 kada kilo.

Ang mangosteen na sagana sa anti-oxidant na panlaban free radicals na iniuugnay sa sakit gaya ng cancer ay mabibili sa P200 kada kilo.

Ang bayabas na mas mataas ang Vitamin C content kumpara sa ibang prutas at sagana sa vitamin A, lycopene, at carotene na nakakatulong upang mas mukhang bata ang balat, ay P120 kada kilo.

Mabenta rin ang caimito na panlaban sa anemia at diabetes na mabibili sa P160 kada kilo.

Gayundin ang mangga at lanzones na sagana rin sa Vitamin C ay P160 ang kada

Habang ang saging na sagana sa potassium ay P80 ang kada kilo.

Facebook Comments