NATIVIDAD, PANGASINAN – Target ng Department of Agrarian Reform Pangasinan na gawing Cassava chips capital sa Eastern Pangasinan ang bayan ng Natividad partikular ang Brgy. Calapugan.
Naglaan ng tatlong daang libong piso ang ahensya ng Department of Agrarian Reform Pangasinan katuwang ang DTI, DOST AT LGU ng bayan para sa proyektong kanilang isinagawa sa bayan.
Sa pamamagitan nito matutulungan ang nasa siyam na pung magsasaka sa bayan na mapalago ang kanilang mga ani at kita na labis na naapektuhan dahil sa pandemyang dulot ng covid19.
Samantala, hinihintay na lang ang isasagawang MOA signing sa pagitan ng ahensya at ng napiling samahan ng mga magsasaka.
Facebook Comments