Inatasan na ng Malacañang si Budget Secretary Benjamin Diokno na huwag nang dumalo sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa umano’y “pork” insertion at mga anomalya sa 2019 proposed national budget.
Ayon sa kalihim – hindi siya makakadalo sa planong hearing ng Kamara kaugnay ng CT Leoncio Construction na nag-uwi umano ng bilyon-bilyong halaga ng government contract ngayong taon sa halip, mag-iisyu na lang siya ng affidavit.
Pinag-aaralan na rin aniya ng Malacañang ang paglalabas ng Executive Order 464 kung saan hindi pinapayagan ang mga cabinet member na dumalo sa anumang imbestigasyon kung walang basbas ng Pangulo.
Matatandaang sa “question hour”, ginisa si Diokno ng mga kongresista dahil sa umano’y pork insertion sa 2019 budget kung saan naungkat din ang personal niyang koneksyon sa CT Leoncio.
Giit ni Diokno – “diversionary tactic” lang ang mga akusasyon laban sa kanya para ma-pressure siyang i-release ang P45-billion road user’s tax na nasa kontril ng road board.
Katunayan, pabor nga raw siya na buwagin na ang road board dahil nagiging source lang ng korapsyon ang road user’s tax.