NAT’L BUDGET | Special session, inirekomenda ni Sec. Diokno

Manila, Philippines – Irerekomenda umano ni Budget Secretary Benjamin Diokno kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng special session sa Kongreso ngayong linggo.

Ito ay para maihabol ang pagpasa sa 2019 proposed national budget.

Ayon kay Diokno – kung hindi maaaprubahan ang 2019 budget bago mag-adjourn ang Kongreso, posibleng mauwi sa re-enacted budget ang pondo para sa susunod na taon.


Kung magkataon, tinatayang nasa P220 billion ang mababawas sa pondong target mailabas para sa mga proyekto sa 2019.

Sa pagtaya rin ng National Economic Development Authority (NEDA) babagal ang pagtaas ng Gross Domestic Product sa 2019 at maaaring pumalo lang ito sa 4.7 hanggang 5.9 percent kumpara sa target na 7 to 8 percent growth.

Mahigit 600,000 trabaho rin ang pinangangambahang mawala sa iba’t ibang sektor habang posibleng umabot sa 200,000 hanggang 400,000 Pilipino ang hihirap ang buhay kapag natapyasan ang budget sa susunod na taon.

Samantala, bukas naman ang liderato ng Kamara sa panukalang magkaroon ng special session para maratipikahan ang P3.757 trillion proposed budget para sa 2019.

Facebook Comments