Nakatanggap ng suporta mula kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang reintegration program ng ARMM government para sa Abu Sayyaf Group (ASG) returnees.
Sa ginanap na Regional Peace and Order Council (RPOC) meeting na dinaluhan ni Sec. Lorenzana, sinabi nito na ang reintegration program ay susuportahan ng national government.
Ang reintegration program na tinaguriang Program Against Violence and Extremism (PAVE) ay inisyatibo ng tanggapan ni ARMM Governor Mujiv Hataman.
Idinisenyo ang PAVE upang makapagbigay ng mga oportunidad sa mga dating miyembro ng ASG at nagbalik-loob na sa gobyerno na muling maging aktibong bahagi ng lipunan.
Sa pamamagitan ng naturang programa ay inaasahan na marami pang ASG members ang susuko.
Abot sa 173 dating mga miyembro ng ASG ang sumuko na mula sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Nat’l gov’t, sinuportahan ang reintegration program ng ARMM para sa dating ASG members!
Facebook Comments