Nagsimula nang mag-convene ang National Plebiscite Board of Canvassers kaugnay ng canvassing sa ginanap kahapon na unang araw ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Siyamnapu mula sa 374 plebiscite returns mula sa Cotabato City ay nabilang na.
Patuloy naman ang pagtanggap ng Board of Canvassers ng statement of votes mula sa Mindanao.
Kabilang din sa mga botong bibilangin ng canvassers ang mula sa Basilan, Sulu, Lanao del Sur, Isabela City, Maguin at Tawi-Tawi.
Sa Biyernes inaasahang maipapalabas na ng Comelec ang resulta ng plebisito.
Ipagpapatuloy naman ang ikalawang araw ng plebisito sa Pebrero a sais.
Facebook Comments