Nat’l QR Code Standard, ilalabas sa Hulyo

Ilulunsad na sa Hulyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang National Quick Response o QR code standard.

Ang QR code ay isang uri ng barcode na naglalaman ng modes of data gaya ng alphanumeric, numeric, binary at kanji na ginagamit sa payment o fund transfer.

Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier – ang National QR Code Standard ay nagsusulong ng isang unified standard para sa interoperability ng transactions.


Aniya, tatawagin itong “QR PH” – kung saan pag-iisahin o pagsasamahin na ang iba’t-ibang domestic cashless payment schemes na gumagamit ng QR code.

Ang isang QR code label ay maaaring gamitin para sa multiple payment schemes.

Ang standard QR ay pwedeng gamitin sa dalawang payment streams: ang “P2P” o peer-to-peer at ang peer-to-merchant o “P2M”.

Pinag-aaralan na rin ng BSP na itaas ang share sa lahat ng e-payments sa 20% sa lahat ng transactions sa bansa sa susunod na taon.

Facebook Comments