Nababahala na rin si National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pagdami ng mga manggagawang Tsino sa Pilipinas.
Ito ay makaraang lumabas sa pagdinig ng Senado noong Pebrero na 50.3% o 85,496 mula sa kabuuang 169,893 nabigyan ng alien employment permits ng DOLE ay mga Chinese.
Ayon naman sa task force na binuo ng Department of Finance (DOF) – nasa higit 100,000 dayuhang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang hindi nagbabayad ng income tax.
Sabi ni DOF Assistant Secretary Tony Lambino – karamihan sa mga POGO workers ay mga Chinese national.
Para naman kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang dapat ikabahala sa pagdami ng mga Tsino sa bansa.
Facebook Comments