Nat’l Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon Jr., nagtestigo sa Manila RTC laban sa grupo ni Joma Sison kaugnay ng Inopacan massacre

Humarap kanina si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. sa pagdinig sa Manila Regional Trial Court Branch 32 laban kay CPP-NPA-NDF Founding Chairman Jose Ma. Sison kaugnay ng Inopacan massace case.

Bukod kay Sison, nahaharap din sa 15 counts ng kasong murder ang kanyang maybahay na si Juliet at 36 na iba pa.

Itinuturing na “historic” hearing ang pagtayo ni Esperon sa witness stand sa sala ni Judge Thelma Bunyi-Medina.


Una nang nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Bunyi-Medina laban sa grupo ni Sison noong August 28, 2019 kaugnay ng mass grave na natagpuan ng militar sa Inopacan, Leyte noong 2006.

Mismong si Esperon ang nagsampa ng naturang kaso dahil siya ang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nang madiskubre ang mass grave ng sinasabing mga pinatay ng grupo ni Sison.

Facebook Comments