NATUKLASAN | Fetus, natagpuan sa Muntinlupa

Muntinlupa – Natuklasan ng isang empleyado ang isang Fetus kaninang 1:45 AM sa Purok 4 Extention, Brgy. Alabang Muntinlupa City.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Muntinlupa City, habang naglalakad ay nakita ito ni Frederick Bonagua, employee ng Adam-Else store at residente ng Purok 4 Extension, Brgy. Alabang, Muntinlupa City.

Paliwanag ni Bonagua, itinapon ng walang awang ina sa naturang lugar ang fetus at itinurn over na nito sa Barangay at pulisya.


Tinitingnan ng pulisya kung mayroong CCTV camera sa lugar uoang matukoy kung sino ang nagtapon ng fetus sa naturang lugar.

Facebook Comments