Manila, Philippines – Hugas kamay ngayon ang Department of Health sa usapin ng pagtatayo ng Barangay Health Station Project matapos matuklasang mayroong anomalya umano sa naturang proyekto.
Sa ginanap na presscon sa Manila, sinabi ni Atty. Gigi Jorge tagapagsalita ng JBROS ang nakipag joint venture sa DOH na iniligaw ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko sa nangyayaring iregularidad ng naturang proyekto na ang 2,500 Health Station ang itinigil ng DOH ang pagpapatayo dahil walang IRR na dapat ay 5,700 Health Station ang itatayo kung saan humiling ang Contractor na ituloy ang kontrata pero binabalewala ng kalihim.
Paliwanag pa ni Atty Jorge na tumangging magbayad ang DOH ng 1.6 bilyon pesos sa JBROS na noong May 2017 nila sinisingil pero sabi ni Duque binavalidate pa nila ang naturang proyekto dahil natapos na nila ang 33 percent ang kanilang trabaho.
Giit ni Atty. Jorge, kaya napilitan ng maghain ng reklamo ang JBROS sa Construction Arbitration Industry Commission dahil hindi na nila tinupad ang nakasaad sa naturang kontrata.