Manila, Philippines – Tinatayang nasa 39.37 million pesos na halaga ng asukal ang nadiskubre ng Bureau of Customs mula sa 45 twenty-footer container na inabanduna sa Port of Manila (POM).
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, posibleng natakot na mabuko ang consignee ng shipment na ito, kaya’t inabanduna na lamang ang mga containers.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Customs, buwan ng Hunyo at Hulyo pa nang dumating sa bansa ang mga containers mula sa Thailand.
Idineklara lamang ito bilang kitchen utensils, kraft paper at packaging materials, ngunit ng inspeksyunin, dito na tumambad sa nga otoridad ang 22,500 sako ng asukal.
Nagmula sa Hup Lee Trading sa Thailanr ang mga shipment, na ipapadala sana sa Red Star Rising Corporation sa Binondo Warehouse Depot 3, 99 Barraca Cor. Muelle de Binondo, Manila na pagaari ng isang Dante Lunar.
Nananatili sa BOC ang mga misdeclared items, habang kinansela na ng lisensya ng importer nito