NATUKOY NA | Sangkap sa sumabog na IED sa Lamitan City Basilan, tukoy na ng AFP

Natukoy na ng Armed Forces of the Philippines ang ginamit na mga sangkap sa improvised explosive device na sumabog sa Lamitan City Basilan na ikinasawi ng 10 indibidwal.

Ayon kay AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo, ang sumabog na IED ay gawa sa ammuniom nitrate, fuel at oil.

Batay ito sa post blast investigation na isinagawa ng militar.


Ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon na gumamit ang abu sayyaf group ng ganitong uri ng pampasabog dahil karaniwan ay gumamit sila ng mortar kapag nagpapasabog.

Pero sa New Peoples Army sinabi ni Arevalo na hindi na ito bago dahil ito ang kanilang malimit na ginagamit sa kanilang mga gawang bomba.

Mabilis at madali raw kasi itong gawin at madaling mabili sa mga tindahan ang mga sangkap.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng militar at pulisya aa naganap na pagsabog upang matukoy ang totoong responsable sa pagpapasabog.

Facebook Comments