NATULUYAN | Chinese na nagtago at nagpanggap na pipi matapos makapatay, hindi na nakapagsalita pa

China – Tuluyan nang hindi nakapagsalita ang isang Chinese man matapos na magpanggap na pipi sa loob ng labindalawang taon!

Ilang taon na ang nakakalipas nang magtago umano si Zheng matapos niyang mapatay sa saksak ang tiyuhin ng kanyang asawa dahil lang sa away sa bayad sa renta ng bahay.

Mula Hangzhou, nakarating sa Anhui Province si Zheng kung saan siya nagpakilala bilang Wang Gui at nagpanggap na mute beggar.


Makalipas ang mahigit isang dekada, nahuli pa rin siya ng mga pulis pero ang problema, hindi na talaga nakapagsalita si Zheng.

Nakipag-usap na lang daw sa mga pulis si Zheng sa pamamagitan ng pagsusulat.

At nang tanungin kung bakit siya nagpanggap na pipi, isinulat niya ang: “The Less I Say, The Less Chance I’ll Make A Mistake.”

Facebook Comments