Tacloban City – Sampung bahay ang natupok matapos na sumiklab ang sunog sa Barangay 42 Siren, Tacloban City.
Halos gawa sa light materials ang mga nasunog na kabahayan kung saan humigit kumulang 50 mga indibidwal ang nawalan ng bahay.
Kwento ng mga biktima, sobrang bilis ng pangyayari at bigla na lamang lumaki ang apoy.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging dahilan ng naturang sunog at ilan ang kabuuang danyos nito.
Facebook Comments