NATUPOK | 100 milyong piso, naitalang pinsala sa nangyaring sunog sa Plaza Cervantes Binondo, Maynila

Manila, Philippines – Makalipas ang halos 22 oras, naapula na din ang sunog na nangyari sa Plaza Cervantes, Binondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog sa ika-pitong palapag ng gusali ng Land Management Bureau ng DENR, pasado alas-dose ng hating gabi noong isang araw hanggang sa kumalat ito sa iba pang building.

Alas-10:30 naman ng gabi nang ideklarang fire-out ang sunog kung saan naabo sa nasabing insidente ang mga titulo ng lupa at iba pang mahahagalang gamit at dokumento ng Land Management Bureau.


Sinabi ng DENR na hindi bababa sa 100 milyong piso ang pinsala sa kanilang pasilidad lalo na at natupok ang bago at mga moderno nilang gamit.
Nadamay din sa nasabing sunog ang building ng BPI, isang condominium at Juan Luna Building kung saan nag-oopisina ang National Arts of the Philippines.

Facebook Comments