NATUPOK | 2 magkasunod na sunog, naganap sa Cebu City

Cebu City – Dalawang magkasunod na sunog ang naganap sa Cebu City.

Unang nangyari ang sunog sa Purok 3 Lower, Sitio Lupa, Barangay, Kamputhaw kung saan 60 na bahay ang tinupoy ng apoy.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag na bahay ng isang Emma Limbaga Kwan kung saan hindi pa mabatid kung anong dahilan nito.


Tinataya naman na aabot sa P900,000 ang halaga ng mga ari-arian ang natupok.

Samantala, sunod naman na nasunog ang tatlong bahay sa Barangay Buhisan, Siro Casipag.

Nagsimula ang sunog a bahay ng isang Elena Lazarte kung saan aabot sa P100,000 ang halaga ng mga ari-arian ang natupok.

Facebook Comments