NATUPOK | 200 pamilya, nawalan ng bahay dahil sa sunog sa Mandaluyong

Mandaluyong City – Nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa Block 34, F. Ortigas Extension, Barangay Addition Hills, sa Mandaluyong City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nag-umpisa ang sunog alas 1:45 Miyerkules ng hapon at mabilis na iniakyat sa ikatlong alarma bago idineklarang fire-out alas 3:45 ng hapon.

Anila, pawang gawa sa mga light materials ang mga bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy.


Ilang residente naman ang nilapatan ng lunas ng Philippine Red Cross makaraang mahilo at ma-suffocate sa makapal na usok.

Pansamantalang nananatili sa Torres Gym at iba pang evacuation centers ang mga nasunugang pamilya.

Facebook Comments