NATUPOK | 40 na bahay, nasunog sa Zamboanga City

Zamboanga City – Natupok ang nasa 40 na mga bahay sa nangyaring sunog sa Asinan, Barangay Kasanyangan sa Zamboanga City.

Nangyari ang insidente bago dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa lungsod para personal na manguna sa pagbibigay ng mga relief goods sa daang pamilya nasunugan din noong linggo ng hapon sa may Barangay Labuan.

Karamihan ng mga nasunog na bahay ay tinitirahan ng mga Internally Displaced Persons (IDPs) na una na ring naging biktima sa magkakahiwalay na insidente ng sunog.


Kasalukuyang nananatili ngayon sa evacuation center ang mga nasalantang pamilya kung saan wala namang naiulat na casualty sa panibagong insidente ng sunog.

Facebook Comments