NATUPOK | Anim, patay sa sunog sa Paranaque City

Parañaque City – Umabot sa anim ang kumpirmadong patay sa nangyaring sunog sa isang gusali sa Barangay Tambo, Parañaque City kagabi.

Pasado alas-sais ng gabi nang maiulat sa mga bombero ang sunog sa tinaguriang “bahay na bato” sa Quirino Avenue, na umabot pa sa ikatlong alarma bago ideklarang under control bandang alas-otso ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ana Donna Agrasada 23 anyos, at dalawa nitong anak na sina Lon-On 6 taong gulang, at Don-Don 4 taong-gulang.


Patay rin si Marie Joy De Jesus 28 anyos at dalawang anak na sina Jomarie 7 taong gulang at Daniel siyam na taong gulang.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagmula umano ang apoy sa paglalaro ng isang bata ng posporo sa ikalawang palapag na agad na kumalat dahil sa dikit-dikit na mga tirahan at mga ilegal na electrical connection.

Dating abandonado ang gusaling may tatlong palapag pero ginawa itong tirahan ng maraming pamilya.

Tinatayang nasa 50 pamilya ang apektado habang 50,000 Pesos ang halaga ng natupok.

Facebook Comments