Manila, Philippines – Nanalo man sa katatapos lang na eleksyon, problema agad ang sumalubong sa isang barangay kagawad sa Tondo, Maynila.
Ito ay matapos na masunog ang kanyang bahay sa Barangay Gagalangin.
Samantala kontrolado na ng mga bumbero ang sunog na sumiklab sa pagawaan ng tela sa Bulacan Street sa kaparehong barangay.
Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula 8:00 kagabi.
Sinasabing nadamay lang ang Grandsler Garments Factory building nang masunog ang katabi nitong gusali, 7:00 kagabi at naapula mag-a-alas otso rin kagabi.
Bagama’t kontrolado na, nahihirapan pa rin ang mga bumbero na tuluyang apulahin ang apoy dahil maraming nakaimbak na tela sa loob ng gusali.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog.
Facebook Comments