NATUPOK | Barangay Catmon, Malabon City, isinailalim sa state of calamity matapos ang nangyaring sunog

Malabon City – Nagdeklara ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng malabon sa Barangay Catmon matapos ang nangyaring sunog tumupok sa mahigit 450 kabahayan.

Kung saan apektado ang nasa 1,000 pamilya.

Layon nito na madagdagan ang tulong pinansyal ng lokal na pamahalaan sa 1,000 pamilyang apektado ng insidente.


Tinatayang nasa 4.5 milyong piso ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng sunog na pawang gawa sa light materials.

Nagsimula ito ng tanghali ng Huwebes at naapula pasado alas-6 na ng gabi.

Umabot sa Task Force Bravo ang alarma ng sunog at nag sisiksikan ngayon sa covered court ng Barangay Catmon ang mga residente.

Facebook Comments