NATUPOK | Commercial building sa Novaliches, QC – nasunog!

Quezon City – Tinupok ng apoy ang ikalawang palapag ng isang commercial building sa Barangay Novaliches Proper sa Quezon City.

Pasado alas dos kaninang madaling araw nang magsimula ang apoy sa isang computer sa isa sa mga unit ng Susano Building.

Kinailangan pang basagin ng mga bumbero ang salamin sa 2nd floor para mapalabas ang usok.


Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog at naapula bago mag-alas tres kanina.

Sugatan sa insidente ang isang bumbero.

Tinatayang nasa P100,000 naman ang kabuuang halaga ng pinsala sa sunog.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments