NATUPOK | Dalawang OFW sa Saudi Arabia, namatay sa sunog

Saudi Arabia – Namatay ang dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia nang masunog ang kanilang tinutuluyan.

Kinilala ang mga biktima na sina Jessie Alata Pacetes at Reynaldo Barroga Castro, na kapwa heavy equipment drivers at operators sa isang major Saudi construction company.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano, naganap ang sunog dakong 10:00 ng gabi sa Najran Province, isang probinsiya sa western region ng Saudi Arabia.


Sa ulat posibleng faulty electrical wiring ang dahilan ng pagkalat ng apoy

Nagpahatid naman ng pakikiramay si Secretary Cayetano para sa mga naulila ng biktima.

Sa ngayon inaayos na ang mga kaukulang dokumento para maiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng dalawang Pilipinong OFWs.

Facebook Comments