NATUPOK | Heavy equipment na ginagamit sa pagpapagawa ng kalsada sa Capiz, sinunog

Capiz – Sinunog ng mga armadong kalalakihan ang heavy equipment ng isang construction firm sa Barangay San Martin, Dumalag, Capiz ala 1:30 ng hapon noong nakaraang araw ng Martes.

Ito ang kinumpirma ni Lieutenant Colonel Sisenando Magbalot, commanding officer ng 61st infantry battalion ng Philippine Army. Ayon sa kanya, mahigit sa 15 na kasapi ng NPA mula sa central front committee sa pamumuno ni Ka Bobong ang responsible sa nasabing insidente.

Posible umanong hindi nakakuha ng extortion money ang NPA mula sa nagmamay-ari ng heavy equipment na naging dahilan upang sunugin ito ng mga rebelde.


Napag-alaman na ginagamit ang nasabing heavy equipment sa pagpapagawa ng kalsada sa nasabing lugar. Wala pang inilabas na pahayag ang mga kasapi ng New Peoples Army (NPA) tungkol sa naturang insidente.

Facebook Comments