Amerika – Isa na ang naitalang patay sa sunog na sumiklab sa 50th floor ng Trump Tower sa New York City.
Naisugod pa sa ospital ang hindi pa nakikilalang lalaki pero binawian din ng buhay.
Aminado naman si Fire Commissioner Daniel Nigro na nahirapan silang apulahin ang apoy dahil sa taas ng gusali at sa laki ng nasunog na apartment.
Nabatid na humigit kumulang 200 bumbero ang rumesponde sa sunog na umabot sa ikaapat na alarma.
Facebook Comments