NATUPOK | Isa, patay sa sunog sa Pasay

Pasay City – Isa ang patay matapos masunog ang isang residential area sa F.B. Harrison sa Pasay City.

Alas-11:13 ng gabi nang ideklarang fireout ang sunog na umabot sa ikaapat na alarma.

Hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng bangkay, bagaman mayroon hinala na ito ang lalaking sinasabing nawawala nang magsimula ang sunog.


Inaalam na rin ang sanhi ng sunog at ang kabuuang pinsalang dulot nito.

Facebook Comments