NATUPOK | Isang bahay, nasunog sa QC

Manila, Philippines – Isang bahay ang nasunog sa P. Gonzales Street, Xavierville Subdivision Phase-2, Barangay Loyola Heights, Quezon City.

Nagsimula ang sunog pasado alas-3:00 ng madaling araw kung sana nakarinig ng malakas na putok ang ilang mga residente doon.

Pag-aari ni Atty. Faviano Perez ang bahay na presidente ng homeowners association.


Napag-alaman na dalawang araw nang nasa bakasyon ang abugado kasama ang asawa kaya at walang tao sa kanilang bahay.

Inabot ng second alarm ang sunog na idineklarang fire under control makalipas ang dalawang oras.

Samantala, isang bangko naman ang nasunog din kagabi sa Katipunan Avenue, Barangay Blueridge sa Quezon City.

Pasado alas-10:00 ng gabi nang magsimula ang sunog at makalipas ang isang oras ay agad din itong naapula kung saan natupok ang ilang computers at mga dokumento nito na tinatayang aabot sa P20,000 ang halaga.

Facebook Comments