NATUPOK | Isang branch ng bangko sa Katipunan Avenue, QC – nasunog

Manila, Philippines – Problema sa linya ng kuryente ang nakikita ng mga bumbero na dahilan ng sunog sa isang branch ng bangko sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Alas 10:30 kagabi nang mapansin ng mga barangay tanod sa lugar na may usok mula sa loob ng UCPB.

Agad namang nakaresponde ang mga bumbero pero kinailangan pa nilang gumamit ng bolt cutter para mabuksan ang pinto ng bangko.


Wala rin kasing naka-duty na gwardiya nang mangyari ang insidente.

Naabo sa sunog ang mga computer at mga dokumento.

Facebook Comments