NATUPOK | Labing dalawang bahay, nasunog sa Misamis Oriental

Misamis Oriental – Aabot sa labing dalawang bahay ang natupok sa nangyaring sunog sa Barangay 3, Balingasag, Misamis Oriental.

Sa ulat, nagsimula ang sunog sa bahay ni Susan Rondina at agad na kumalat ang apoy sa katabi nitong mga bahay dahil pawang gawa sa light materials ang mga ito.

Laking panghihinayang naman ni Rindina dahil kasamang natupok ang inipon nitong pera na halos isang milyong piso.


Aabot sa labing limang pamilya ang apaketado ng nangyaring sunog na kasalukuyan nananatili sa paaralang Elementarya ng Balingasag.

Facebook Comments