Malabon City – Aabot sa limang bahay ang nasunog sa Barangay Tinajeros, Malabon City.
Ayon kay FO1 John Patnon, Arson Investigator ng Malabon Fire Department, nagsimula ang apoy bandang 8:54 ng gabi sa unang palapag ng bahay na pag-aari ni mila Ramirez sa Sociego Street.
Isa sa mga tinitingnang pinagmulan ng apoy ay nag-overheat na electric fan na naiwang nakasaksak sa kuwarto ng may-ari ng bahay.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na idineklarang fire out 9:12 ng gabi kung saan nasa ₱350,000 halaga ng pinsala ng mga ari-arain ang natupok at wala naman nasawi sa insdente.
Facebook Comments