Cavite – Patay ang limang miyembro ng isang pamilya sa sunog na sumiklab sa Bacoor, Cavite, alas 2:10 kaninang madaling araw.
Ayon kay Bacoor Cavite Fire Station Senior Fire Officer Emmanuel Arcallana, alas 4:11 na naideklarang fire-out ang sunog.
Nang mapasok ang nasunog na bungalow house, tumambad sa mga otoridad ang limang sunog na bangkay ng mga biktima.
Tatlo sa kanila ay kinilalang sina Christopher Moyano, live-in partner niyang si Shirley Abalos at anak na si Chris Nathan.
Habang wala pang pagkakakilanlan ang isang 14-anyos na dalagita at apat na buwang sanggol.
Ayon sa mga kapitbahay, bagong lipat lang ang pamilya kaya hindi pa sila gaanong kilala sa lugar.
Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog.
Facebook Comments