NATUPOK | Lola, patay matapos ma-trap sa nasusunog nitong bahay

Quezon Province – Patay ang isang lola na matapos na makulong sa nasusunog nitong bahay sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Myrna Ramos, 62-anyos na sinasabing may problema sa pag-iisip.

Nakita na lamang ng mga kapitbahay ng biktima na nasusunog na ang kubo na tinitirahan nito sa Barangay Poblacion.


Kaagad naman na nagtulong-tulong ang mga residente na maapula ang sunog ngunit mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay ng biktima.

Matapos maapula, natagpuan ang bangkay ng biktima sa kaniyang kwarto kung saan tinitingnang anggulo ng mga otoridad na posibleng ang napabayaang gasera ang pinagmulan ng apoy.

Facebook Comments