NATUPOK | Mag-aama, patay matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa La Union

La Union – Patay matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay ang isang ama at tatlo nitong anak sa Barangay San Julian Easy, Agoo, La Union.

Kinilala ang mga nasawing tatay na sina George Asprec habang ang mga anak ay sina Charles Mathew, 3-anyos; Charmaine, 9-anyos at Charlie Jhon, 10-anyos na na-trap sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Sinasabing nagsimula ang sunog pasado alas-7:00 kahapon ng umaga na tumagal ng halos mahigit isang oras bago naapula ng mga bombero.


Patuloy na inaalam nang sanhi ng sunog maging ang halaga ng napinsalang gamit sa insidente.

Facebook Comments