Manila, Philippines – Nasunog ang sampung bahay sa isang residential area sa Bato Street na sakop ng Gagalangin, Tondo sa Maynila.
Ayon sa Manila Fire Department, alas-10:06 ng gabi nang sumiklab ang sunog na umakyat hanggang sa ikatlong alarma kung saan alas-10:59 nang ideklara itong fire out.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala nito.
Samantala, nasunog din ang isang bahay sa Phase 2 ng Christ the King Subdivision sa Barangay Talon 4, Las Piñas City.
Alas-11:24 kagabi nang magsimula ang sunog at umabot ng ika-apat na alarma kung saan nahirapan ang mga bumbero na maapula ang sunog dahil sa liit ng mga kalsada at dahil na rin sa mahinang supply ng tubig sa lugar.
Alas-2:23 ng madaling araw nang ideklarang fire under control ang nasabing pagliliyab at tinatayang aabot sa P375,000 ang kabuuang pinsala sa ari-arian dahil sa nasabing pagliliyab.
Mahigit 100 pamilya na nawalan ng tirahan ang pansamantalang mananatili sa Christ the King Basketball Court.