NATUPOK | Mister, patay matapos sunugin ang sariling bahay sa Cavite; Dalawang anak, idinamay

General Trias, Cavite – Patuloy na iniimbestigahan ng Cavite PNP ang ginawang pagsunog ng isang mister sa kanilang bahay kung saan nasawi ito maging ang dalawang menor de edad na anak.

Sa ulat, nag-away muna ang mister na si Jeremy Nabitag at misis nito bago sinunog ang bahay sa Park lane Subdivision sa General Trias, Cavite.

Nabatid na ikinandado ng tatay ang kanilang bahay bago ito sinilaban.


Sinasabing natutulog ng mga oras na iyon ang dalawang bata sa kwarto kaya at namatay din ang mga ito kung saan natagpuan naman ang sunog na bangkay ng tatay sa sala ng kanilang bahay.

Facebook Comments