Manila, Philippines – Isang residential-commercial building ang nasunog sa
Barangay 682 sa Paco, Manila.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali bandang alas-3:55 ng
kahapon sa unit na inuupahan ni Axcel Tipon kung saan pag-aari naman ito ng
isang Rodriguez family.
Nadamay ang dalawang katabing unit ng apartment, kabilang ang opisina ng
isang manpower agency.
Makalipas ang halos isang oras, tuluyang naapula ang sunog at walang
naitalang nasaktan sa insidente.
Patuloy pa rin iniimbestigahan ang pinagmulan ng apoy at halaga ng natupok
na ari-arian.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Facebook Comments