Davao City – Pinaniniwalaang nag-overload na electric materials ang rason sa malaking sunog na sumiklab sa Barangay 76-A Bucana, Davao City kahapon ng alas 5:30 ng hapon.
Ayon kay fire inspector Richard Quiboquibo, chief special rescue unit sa BFP-XI na apat na mga bahay ang totally damage at isa ang partially damage.
Dagdag nito na tinatayang aabot sa 900,000 pesos ang danyos sa nangyaring sunog.
Samantala, nanawagan naman ngayon ang mga nasunugan sa lokal na gobyerno ng mga pasiunang tulong gaya ng pagkain, mga damit at temporaryong kasisilungan nila.
Facebook Comments