NATUPOK | Sunog sa Brgy. Ugong Norte, QC – fire out na

Quezon City – Alas singko y media ngayong umaga nang ideklara ng fire out ang sunog na sumiklab sa isang malaking bahay sa #9 Giraffe Street Barangay Ugong Norte, Quezon City.

Ayon kay Fire Chief Inspector Jose Felipe Areza, commander ng Eastwood Fire Station, nagsimula ang sunog sa guest room na nasa unang palapag ng bahay na nasa 4000 square meter na lote.

Sabi ni Areza mabilis na kumalat ang apoy at nadamay pa ang limang katabing mga kwarto.


Ang bahay ay pagmamay-ari ng isang Mariane Vargas.

Tinatayang nasa kalahating milyong pisong halaga ng kagamitan ang tinupok ng apoy na nagsimula 3:46 ng madaling araw kanina.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Facebook Comments