NATUPOK | Sunog sa Pasay City idineklara ng fire out

Pasay City – Wala ng dapat pang ikabahala ang mga residente ng Mary Luz Street Barangay 127 Pasay City dahil naapula na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na tumupok sa ilang kabahayan sa nasabing lugar.

Ayon sa Pasay BFP nag-umpisa ang sunog pasado alas kwatro kaninang madaling araw partikular sa ika-apat na palapag ng tahanan ni Oscar Dongon.

Itinaas pa ang sunog sa ikatlong alarma kung saan natupok nito ang 10 kabahayan.


Tinatayang P300k ang pinsala ng sunog at faulty electrical wiring ang itinuturong mitsa o pinagmulan ng sunog.

Dahil sa sunog, nawalan ng tahanan ang 20 pamilya.

Samantala ayon sa Pasay BFP wala namang naitalang sugatan at nasawi sa nasabing insidente.

Facebook Comments