NATUPOK | Sunog, sumiklab sa Barangay Old Balara Quezon City

Manila, Philippines – Nasa dalawampu’t limang pamilya ang wala ngayong matitirhan matapos tupukin ng apoy ang dalawampung kabahayan sa Barangay Old Balara, Quezon City.

7:44 nang sumiklab ang sunog sa 166 Road 2 Lakas Street.

Nagsimula ang apoy sa tatlong palapag na bahay na pag-aari ng isang Maring Millabas. Iniimbestigahan pa ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog.


Dahil gawa sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy na umabot ng third alarm bago ganap na naapula ganap 8:31.

Tinatayang nasa 100,000.00 ang halaga ng natupok na ari-arian. Nasugatan naman ang 35-anyos na si Virgelio Caguica na nagtamo ng hiwa sa kaliwang bahagi ng mata.

Facebook Comments