NATUPOK | Sunog, sumiklab sa commercial-residential area sa Baclaran

83

Manila, Philippines – Nasunog ang isang commercial-residential area sa Baclaran, Parañaque City.

Pasado alas-11:30 kagabi, tinupok ng apoy ang tatlong palapag na establisyimento na binubuo ng bar, salon, tindahan ng tela at paupahan.

Nagsimula ang sunog sa ground floor sa mismong tindahan ng tela.

Hindi napigilan ang pagkalat ng apoy dahil nakakandado ang tindahan.

Aabot sa 200,000 pesos ang halaga ng pinsala ng sunog.

Facebook Comments