NATUPOK | Sunog, sumiklab sa isang residential area sa San Juan, Taytay, Rizal

Rizal – Aabot sa mahigit sampung pamilya ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa Meralco Village, Barangay. San Juan, Taytay, Rizal.

Pasado alas-8:00 kagabi ng magsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma kung saan mag-aalas dose ng hating gabi nang tuluyan itong maapula.

Hindi pa mabatid ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at kung saan bahay ito nagsimula maging ang danyos sa insidente.


Pansamantala naman tumutuloy ang pamilyang apektado ng sunog sa covered court ng kanilang barangay.

Facebook Comments