NATUPOK | Tatlo, kumpirmadong patay sa sunog sa Sta. Cruz, Maynila

Manila, Philippines – Hindi pa rin mahanap ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang tatlong miyembro ng magkakamag-anak na na-trap sa nasunog na commercial-residential building sa Blumentritt Street, Sta.Cruz, Maynila.

Nagsimula ang sunog kaninang alas-3:08 ng madaling araw kung saan ideneklara itong fire under control makalipas ang isang oras.

Pero, alas-4:30 ng umaga nang muling lumakas ang apoy kaya at itinaas sa ikalawang alarma ang sunog.


Nagsimula ang apoy sa isang tindahan at patahian ng kurtina kung sana nadamay ang katabi nitong grocery, botika at dalawang tindahan ng styro.

Nabatid na sa second at third floor tumutuloy ang mga trabahador ng mga tindahan at ayon sa nasunugan na si Imee Reyes, naiwan sa loob ang tatlong niyang kaanak na sina Lito Homeres, Zaldy Luna at sampung taong gulang na bata na si Jasmine Luna.
Pasado alas-6 ng umaga nang muling idineklarang fire under control ang sunog at hindi pa rin makapasok ang mga bumbero dahil sa kapal ng usok.


Facebook Comments