Sinisimulan na sa Mababang Kapulungan ang pagroseso sa naturalization ni Ginebra resident import Justin Brownlee para siya ay makapaglaro sa Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup sa Pebrero ng susunod na taon.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, layunin ng naturalization process na magawaran ng Filipino citizenship ang isang foreigner na nais kilalanin at makamit ang buong karapatan bilang isang Pilipino.
Binanggit ni Romualdez, na bilang isang sports fan at supporter ng mga atletang Pinoy, ay ikinagagalak niyang malaman ang masidhing pagnanais ni Justin Brownlee na tuluyang maging ganap na Pilipino.
Labis naman ang pasasalamant ni Brown Lee sa pag-usad ng kaniyang naturalization process sa Kamara.
Facebook Comments