Sports – Posibleng hindi makapaglaro sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers ang naturalized Filipino players na sina Andray Blatche at Christian Standhardinger para sa Gilas Pilipinas.
Ang torneyo ay gaganapin sa Nobyembre 2017 at Pebrero sa susunod na taon.
Maglalaro pa raw kasi si Blatche sa defending champion Xinxiang flying Tigers sa Chinese Basketball Association (CBA) sa Oktubre.
Habang si Christian Standhardinger ay nakatakda namang maglaro sa ASEAN Basketball League at defending champion din ang koponan nitong hong kong eastern long lions na magsisimula naman sa Nobyembre.
Kaya hindi sigurado ang kanilang koponan kung papayagan ang dalawa na makapaglaro sa Gilas Pilipinas.
Facebook Comments