Umakyat na sa 144,144 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa mga residente sa Navotas City hanggang July 16.
Base sa tala ng City Health Department, nasa 98,317 na indibidwal ang nakatanggap na ng first dose at 45,827 naman ang nakakumpleto na ng dalawang doses.
Kabilang sa mga nabigyan ng bakuna ang mga nasa A1 hanggang A5 priority groups at target ng Navotas City Government na mabakunahan ang 150,000 residente sa lungsod.
Facebook Comments