Manila, Philippines – Malaki ang posibilidad na vaccine failure ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang bata sa tatlong naitalang positibo sa dengue kahit na naturukan ng Dengvaxia vaccine ayon sa Department of Health.
Ayon kay Dr. Juliet Sio-Aguilar, professor at chair ng Pediatrics of the Philippine General Hospital, posibleng nag-i-incubate na ang sakit ng mga ito bago pa naturukan ng nasabing bakuna.
Dahil dito inirekomenda ni Aguilar na magsagawa ng karagdagang test para matukoy ang tunay na sanhi ng paglala ng sakit nito.
Sa press briefing ng DOH kahapon, tatlo sa 14 na bangkay na di umano’y nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia ang nagpositibo sa dengue ayon sa pagsusuri ng Philippine General Hospital (PGH).
Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, bagamat hindi failure ang Dengvaxia sa lahat 800 libong mag-aaral na naturukan nito, hindi pa rin daw ito angkop sa mass vaccination.