NATURUKAN | Tatlong miyembro ng first family, kumpirmadong nabakunahan ng Dengvaxia

Manila, Philippines – Tatlong batang miyembro ng first family ang kabilang sa mga estudyanteng nabakunahan ng Dengvaxia.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, ang bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica at ang dalawang apo nito ay nakatanggap ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine.

Ang dalawang apo ng Pangulo ay anak ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.


Higit 800,000 bata ang nabakunahan ng Dengvaxia sa ilalim ng programang pinangunahan ng Aquino Administration.

Sa ngayon, nahaharap sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget Secretary Butch Abad sa mga kaso na may kaugnayan sa kontrobersiya.

Facebook Comments